Bogut handang-handa na para sa darating na season

GOLDEN STATE -- Handang-handa na ang Gol­den State Warriors para sa darating na season.

Muli nilang ipaparada si sharpshooter Stephen Cur­ry at idinagdag si All-Star Andre Iguodala sa ko­po­nang magbabandera kina Klay Thompson at Harrison Barnes.

Noong Biyernes, inihayag ni center Andrew Bogut na 100 percent siyang nasa kondisyon.

Nalimitahan si Bogut sa 32 regular-season games no­ong season kung saan nakapasok ang Warriors sa play­offs.

Nagkaroon ang 7-footer na si Bogut ng knee injury at maglalaro sa pang-lima at huling taon sa kanyang five-year contract.

Hinirang ng Milwaukee Bucks ang Australian native bilang top overall pick sa NBA Draft noong 2005.

 

Show comments