SBC Red Lions inangkin ang liderato

MANILA, Philippines - Inangkin ng three-time champions San Beda College nang payukurin ang ang Emilio Aguinaldo College, 71-64, sa 89th NCAA men’s basketball tour­nament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib ng puwersa sina Baser Amer at Ryusei Koga para ibigay sa Red Lions ang 58-46 abante sa third period makaraang iwanan ng Generals sa first half,

At mula dito ay hindi na nilingon pa ng San Be­da ang EAC.

Umiskor sina Amer at Koga ng pinagsamang 25 points para sa San Beda.

Sa unang laro, tinalo na­­man ng San Sebastian Stags ang Mapua Cardinals, 72-63, para higpitan ang kapit sa ikaapat na puwesto.

Nagposte si Jaymar Pe­­rez ng 19 points, 11 rebounds at 4 assists para sa Stags na tinalo ng Cardinals sa first round, 99-104, noong Hulyo 1.

(RCadayona)

San Beda 71 -- Dela Cruz 16, Amer 15, Koga 13, Adeo­gun 12, Dela Rosa 6, Mendoza 4, A. Semerad 2, D. Se­me­rad 2, Abarcar 1, Villaruz 0, Pascual 0, Ludovice 0.

EAC 64 -- Happi 17, Morada 14, Jamon 13, Paguia 9, Tayongtong 9, Arquero 2, Monteclaro 0, Hiole Manga 0, King 0, Munsayac 0, Onwubere 0.

Quarterscores: 22-14; 31-33; 58-46; 71-64.

Show comments