MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Thorsten Hohmann ng Germany na kaya niya ang husay ng mga Filipino cue-artists nang pabagsakin si Antonio Gabica, 13-7, at pagharian ang 2013 World 9-ball Championship sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.
Hindi natinag si Hohmann kahit napag-iwanan sa 4-6 at nakatulong ang pagbagsak ng laro ni Gabica paÂra mauna pang umabot sa hill, 12-6.
Ito ang ikalawang titulo ni Hohmann at ang una ay nangyari noon pang 2003 sa Cardiff, Wales.
Lalabas din na si Gabica ang ikaapat na sunod na PiÂnoy na kanyang hinarap at tinalo sa torneo.
Bago ang 41-anyos, 2006 Doha Asian Games gold meÂdalist, ang mga naunang yumukod kay Hohmann ay sina Dennis Orcollo (11-8), Jeff de Luna (11-7) at Carlo Biado (11-4) sa round-of-16, quarterfinals at semifinals.
“Everything just worked for me. I was in stroke. I thought I really could win this from the beginning to the end. I never had a doubt,†wika ni Hohmann na naÂkuha ang $36,000.00 premyo.