MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng San Mig Coffee ang ikalawang silya sa Top Four sa quarterfinal round matapos talunin ang Barako Bull, 81-77, sa 2013 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart AraÂneta Coliseum.
Ito ang ikaapat na dikit na ratsada ng Mixers, nakakuha ng 22 points kay Marqus Blakely kasunod ang 18 ni Allein Maliksi at 12 ni Mark Barroca.
Sinimulan ng Mixers ang fourth quarter mula sa daÂlawang free throws ni MaÂliksi para sa kanilang 64-58 bentahe.
Isang 17-2 atake ang iniÂlunsad nina import MiÂchael Singletary, Mark MaÂÂÂcapagal at Dave MarÂceÂlo para ibigay sa Energy ang 75-66 kalamangan sa ilalim ng anim na minuto sa naturang yugto.
Nagbida sina Blakely, Maliksi at Barroca para itabÂla ang San Mig Coffee sa 77-77 sa huling 45.2 segundo.
Ngunit ang krusyal na turnover ni Singletary sa posesyon ng Barako Bull ang naging mitsa ng kaÂnilang pagkulapso.
Tumipa si Barroca ng dalawang free throws muÂla sa foul ni Danny Seigle para sa 79-77 abante ng MiÂxers sa nalalabing 18.3 seÂgundo.
“I told the guys that this is going to be a hard game, much harder than they thought it’s gonna be. I told them they have to find a way to pull it out,†sabi ni coach Tim Cone sa kanyang Mixers.
Sa ikalawang laro, tumipa si Mac Baracael ng tatlong free throws maÂtaÂpos ma-foul ni Beau BelÂga sa three-point line sa huÂÂling 0.3 segundo para itaÂkas ang Barangay GiÂnebÂra sa nagdedepensang Rain or Shine, 101-100, at buhayin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.
Bago ito, umiskor muÂna si import Arizona Reid ng isang jumper sa natitirang 2.0 segundo para sa 100-98 abante ng Elasto Painters sa Gin Kings.
Samantala, tatargetin ng Petron Blaze ang kaÂnilang pang-walong sunod na panalo sa pagharap sa Globalport ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang labanan ng Air21 at MeÂralco sa alas-4:15 ng haÂpon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
San Mig Coffee 81 - Blakely 22, Maliksi 18, Barroca 12, Devance 8, Simon 8, Mallari 5, Pingris 5, Yap 3, Reavis 0.
Barako 77 - Singletary 38, Macapagal 16, Pennisi 6, Marcelo 5, Seigle 5, Cruz 3, Jensen 2, Villanueva 2, Monfort 0, Buenafe 0, Intal 0.
Quarterscores: 17-20; 39-31; 61-58; 81-77.
Ginebra 101 - Caguioa 32, Lowhorn 31, Ellis 11, Baracael 8, Tenorio 8, MaiÂerÂhofer 6, Helterbrand 3, MaÂmaril 2, Urbiztondo 0, Wilson 0.
Rain or Shine 100 - Reid 40, Quiñahan 12, Lee 11, Belga 10, Araña 8, Chan 5, Uyloan 4, Norwood 4, Cruz 2, Matias 2, Tang 2, Rodriguez 0, Ibañes 0.
Quarterscores: 21-26; 47-49; 70-79; 101-100.