Morris nakipagkasundo sa philadelphia

MANILA, Philippines - Pinaplantsa na ang kasunduan para sa paglipat ni Los Angeles Lakers free-agent guard Darius Morris sa Philadelphia 76ers, sabi ng  league sources sa Yahoo Sports.

Pipirmahan pa ng 22-anyos na si Morris ang isang partially guaranteed contract para sa 2013-14 season, ngunit inaasahang mapapasama sa line-up ng 76ers ngayong season.

Tinanggihan ng 6-foot-4 na si Morris ang pagkakataong muling maglaro sa Lakers para sa kanyang ikatlong sunod na season at mas piniling mapasama sa 76ers.

Nagdagdag ang Philadelphia ng dalawang guards sa off-season. Ito ay sina first-round draft pick Michael Carter-Williams ng Syracuse at Tony Wroten mula sa Memphis Grizzlies.

Nagtala si Morris ng mga averages na 4.0 points at 1.6 assists sa 14.2 minutes per game para sa Los Angeles noong nakaraang season.

Si Morris ay pinili ng Lakers bilang second-round pick noong 2011.

 

Show comments