Tune-up games ng Gilas Pilinas laban sa 3 bansa naayos ni Reyes
MANILA, Philippines - Habang nagbabakasyon sa Norway ay nagawa ni head coach Chot Reyes na maplantsa ang tune-up games ng Gilas Pilipinas laban sa dating Olympic Games champion Argentina, Angola at Dominican Republic.
Sa kanyang Twitter account na @coachot, sinabi ni Reyes na nakatanggap na siya ng mensahe ukol sa pagpayag ng Argentina, Angola at Dominican Republic na makaharap ang Gilas Pilipinas para sa tune-up matches.
“Just got word fr our Spanish contact Argentina, Angola, Dom Rep are open to pre World Cup games w us.Will meet in Slovenia to ask Euro tms too,†sabi ni Reyes sa kanyang Twitter account.
Maliban sa Gilas Pilipinas ay kakatawanin rin ang Asya ng Iran at South Korea sa 2014 FIBA World Cup na gagawin sa Spain.
Natalo ang Nationals sa mga Iranians sa finals ng nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Agosto.
Sa kanyang pagbabakasyon sa Norway ay sinusundan naman ni Reyes ang mga laro sa 2013 FIBA Europe Men’s Championships sa Slovenia.
Pinagharian naman ng Angola ang FIBA Africa Men’s Championships at makakasama ang binigong Egypt at third placer Se-negal sa pagkatawan sa African continent sa 2014 FIBA World Cup.
Ang FIBA Americas ay pamumunuan naman ng nagharing Mexico, Argentina, Dominican Republic at Puerto Rico. Anim na koponan ang kukunin mula sa FIBA Euro para sa 2014 World Cup, habang may apat na wildcard entries ang pipiliin para sa 24-nation competition.
- Latest