Rodman naging malapit sa North Korean leader

BEIJING -- Umalis si retired NBA star Dennis Rod­man sa North Korea at muling ipinakita ang kanyang pagmamahal kay autocratic leader Kim Jong Un kasabay ng pagtuligsa sa panawagan sa pagpapalaya sa nakakulong na si American citizen Kenneth Bae.

Sa kabila ng pakiusap kay Kim na pakawalan si Bae, sinabi ni Rodman na wala siyang pakialam sa ka­palaran ng naturang Christian missionary.

“Guess what? That’s not my job to ask about Kenneth Bae,” wika ni Rodman sa mga reporters sa kanyang pagdating sa airport dito sa Beijing, China.

“Ask (President Barack) Obama about that. Ask Hillary Clinton,” inis na sigaw ni Rodman.

Nakasubo ang sigarilyong walang sindi, ipinakita ni Rodman ang mga litrato nila ni Kim.

Show comments