^

PM Sports

10 entries sa JRA Cup ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampung kabayo na may edad 3-taong gulang at ang iba ay lumaban sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang magsusukatan muli sa Ja­pan Racing Association (JRA) Cup ngayon sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa isang milya inila­gay ang karera na itinata­guyod ng host club na Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at sinahugan ito ng P300,000.00 premyo na kung saan ang mana­nalo ay maghahatid ng P180,000.00 gantimpala sa kanyang connections.

Ang mga kasali at  mga hi­nete ay ang Appointment (JB Hernandez), Be Humble (RV Leona), Se­ñor Vito (JB Guce), Am­berdini (Val Dilema), Ada­mas (JB Bacaycay), Fourth Dan (Pat Dilema), Azi­muth (RG Fernandez), An­gel Of Mine (KB Abobo), Hot And Spicy (FM Ra­quel Jr.) at Sky Dragon (AB Alcasid Jr.).

Beterano ng Triple Crown ang mga kaba­yong Be Humble, Fourth Dan, Hot And Spicy at Sky Dragon, habang ang Se­ñor Vito ay napalaban sa Hopeful Stakes race.

Ang Be Humble ay ipi­nagabay muli kay Leo­na matapos huling diskar­tehan ni Jeff Zarate noong Agosto 6 at ang tambalan ay tumapos sa ikalawang pu­westo kasunod ng Hot And Spicy sa maikling 1,300-metro distansya.

Ang dalawang kabayo ang inaasahang maglalaban muli pero hindi magpapahuli ang ibang kasali tulad ng Sky Dragon, Se­ñor Vito at Azimuth pa­ra makuha ang paglalaba­nang gantimpala.

Tatanggap ang papa­ngalawang kabayo ng P67,500.00, ha­bang ang pa­pangatlo at papang-apat ay mag-uuwi ng P37.500.00 at P15,000.00, ayon sa pagkakasunod.

Kasabay din na itatakbo sa hapong ito ang 2YO Maiden Race.

Ang mga kasali ay ang Mamang Sorbetero, Red Cloud, Pure Enjoyment, Masskara at coupled entry Dinagyang, Colonial Star at Princess Jo.

 

vuukle comment

ALCASID JR.

ANG BE HUMBLE

BE HUMBLE

COLONIAL STAR

FOURTH DAN

HOT AND SPICY

SHY

VITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with