Posible pang malipat sa Ginebra?: Asi Taulava dinala ng Meralco sa Air21

MANILA, Philippines - Hindi sa Barangay Gi­nebra kundi sa Air21 mag­lalaro ang one-time PBA Most Valuable Pla­yer awardee na si Asi Taulava.

Ito ay matapos aprubahan kahapon ni PBA Com­missioner Chito Sa­lud ang pag­bibigay ng Me­ralco ki­na Taulava at Mark Borboran sa Air21 bilang ka­pa­lit nina Mike Cortez at James Sena.

Nakamit ng Express ang signing rights ng 6-foot-9 na si Taulava mu­la sa Bolts, iniwanan niya bago magsimula ang PBA season para lumipat sa San Miguel Beermen sa Asean Basketball League.

Ang 40-anyos na si Taulava ang nagbida sa Beer­men sa korona sa na­ka­­raang ABL season.

Ngpaalam naman si Cor­tez sa Air21 sa pama­ma­gitan ng kanyang Twitter account na @mikecor­tez_11.

“FINALLY got confirmation... tnx to my team mates nd coaching staff from air 21!! and most especially #UBErepublic fans!! goodluck to u guys!,” sabi ni Cortez.

Maliban sa pakikipagkasundo sa Meralco, nasa­sangkot din ang Air21 sa trade sa Petron, Barangay Ginebra at Meralco.

Sinasabing nasa tra­ding block sina Joseph Yeo ng Boosters, Kerby Ray­mundo ng Gin Kings at Jay-R Reyes ng Bolts.

Samantala, kapwa pa­kay ng Gin Kings at ng San Mig Coffee Mixers ang kanilang ikalawang su­nod na panalo nga­yong alas-6:30 ng gabi ma­tapos ang salpukan ng Ba­rako Bull Energy at Globalport Batang Pier sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Arane­ta Coliseum.

Isisilbi nina Marc Pingris at Joe Devance ang kanilang two-game at one-game suspension, ayon sa pagkakasunod, da­hil sa kinasangkutan ni­lang rambulan sa 102-88 panalo ng Mixers sa Ba­tang Pier noong Miyer­kules.

Show comments