UE Alumni umapela

MANILA, Philippines - Pakiramdam ng University of the East Alumni Association, hindi naging patas ang treatment sa UE sa pagsuspindi sa kanilang mga top players sa UAAP men’s basketball kaya sila ay nanawagan ng “justice, fairness and due process.”

Sa isang sulat kay Loyzaga at sa UAAP board, sinabi ng grupo na kulang sa due process sa kaso nina center Charles Mammie at Ralf Olivares.

“Adding insult to injury is the highly visible fact that such supposed offenses by UE players have likewise been committed by members of a number of other UAAP member-schools’ players, yet those other schools’ own offenders either have had much lighter penalties or none at all,” ang nakasaad sa sulat.

Dininig ng UAAP Board ang apela ng UE appeal sa two-game suspension kay Mammie na ibinaba sa isang game na lang para makalaro ito sa kanilang laban kontra sa La Salle Archers nitong Miyerkules.

Ayon sa mga UE alumni, ang mga desisyong ito ay makakasira sa liga.

Nauna nang sinabi ni UAAP Season 76 secretary treasurer Malou Isip ng Adamson na tiwala ang UAAP board sa mga desisyon ni Loyzaga.

“Majority of the suspensions are from UE pero when we get the services of Comm Chito, we have good faith in him, that he’ll display fair play and sportsmanship, which is also our mission and vision,” ani Isip nang maging panauhin sa PSA Forum noong Martes.

Nakatakdang magpulong ang UAAP board sa isang emergency meeting ngayon.

 

Show comments