Willingandable kumaripas

MANILA, Philippines - Kumaripas ang kaba-yong Willingandable sa huling 100-metro para katampukan ang magandang panalo na nangyari noong Lunes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Pat Dilema ang hinete pa rin ng kabayo na tumakbo sa walong kabayong karera na 2YO Maiden Division race sa 1,300-metro distansya at nakita ang tiyaga ng tambalan nang hinayaan ang ibang mga kabayo na lumamang sa karera.

Top choice ang nanalong kabayo pero dahil dikit-dikit ang bentahan, nasa P21.00 pa ang ibinigay na dibidendo habang P37.00 ang inabot sa 2-4 forecast.

Hindi nagpahuli ang tatlong taong colt na El Rey Leon na pinangatawanan din ang pagiging liyamado sa labanan sa 3YO and Above Maiden Division.

Pinaglabanan din ang karera sa 1,300-metro distansya, ang Undisputable at Firebolt ang lumayo agad ng halos walong dipa.

Show comments