MANILA, Philippines -Umakyat sa No. 35 ang Pilipinas sa pinakabagong FIBA rankings matapos ang 2013 FIBA Africa Men’s Championships.
Sa kanyang Twitter account na @coachot, ikinatuwa ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang pagganda ng posis-yon ng bansa sa FIBA rankings.
“FIBA World rankings just came out daw. Phi now #35! Yeah baby!,†wika ni Reyes.
Naging matagumpay ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships noong Agosto 1-11 na idinaos sa Mall of Asia sa Pasay City.
Kinuha ng Gilas Pilipinas ang ikalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain matapos lusutan ang South Korea sa semifinal round.
Bukod sa Gilas Pilipinas, kakatawan din para sa Asya ang Iran, ang naghari sa FIBA-Asia Championships at ang South Korea.
Nasa No. 19 ang Iran, binanderahan ng itinanghal na Most Valuable Player ng torneo na si si 7-foot-2 NBA player Hamed Hadadi, sa FIBA rankings, habang No. 31 naman ang South Korea.
Sa kabila ng pagkakatalsik sa FIBA-Asia Men’s Championships ay nasa No. 12 ang China sa ilalim ng United States (1), Spain (2), Argentina (3), Greece (4) Lithuania (5), Russia (6), Turkey (7), France (8), Brazil (9), Australia (10) at Serbia (11).
Ang iba pang sumali sa FIBA-Asia Men’s Championships na kabilang sa listahan ng FIBA ay ang Jordan (30), Japan (36), Qatar (43), Chinese-Taipei (43), Kazakhstan (47), India (58), Hong Kong (66), Malaysia (68), Bahrain (70), Saudi Arabia (73) at Thailand (75).