MANILA, Philippines - Higit sa 100 pang bilang ng mga Filipino athletes ang nagnanais na makasama sa delegasyong ipapadala para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee chairman Tom Carrasco na may 114 atleta ang maaaring mapabilang sa National contingent “pending validation and qualification.â€
Ang naturang mga atleta, ayon sa presidente ng local triathlon association, ay maaaring maidagdag sa naunang 152 atleta mula sa 26 sports na binigyan ng POC ng ‘green light’.
Ngunit sakali mang mapasama ang naturang mga atleta ay ito na ang magiging pinakamaliit na delegasyong ipapadala ng bansa sa nakaraang mga edisyon ng SEA Games.
Si Carrasco ay bahagi ng task force na siyang nagsasaliksik sa komposisyon ng Philippine team para sa Myanmar SEA Games.
Si Jeff Tamayo ng soft tennis ang tumatayong chef-de-mission.
Ayon kay Carrasco, ang 114 atleta ay may mga sasalihan pang mga international tournaments na maaari nilang gawing basehan para mapabilang sa delegasyon.
Ang mga Filipino shooters ay sasabak sa SEASA (Southeast Asian Shooting Association) Championships.
Ang mga mananalo ng gold medal ay maaaring mabigyan ng tiket para sa Myanmar SEA Games.
Naghahangad rin ng puwesto ang mga atleta ng muay thai, judo, wushu , women’s basketball at men’s football.
“With football we will look at lineup,†ani Carrasco. “We are trying to be as fair to all. We at the task force are doing our best. We are not siding with anyone. Inclusion is based on criteria and justification.â€