MANILA, Philippines -Masusukat ang lakas ng Cagayan Province sa pagÂharap sa Meralco, habang ikalawang dikit na paÂnalo ang nais ng Army sa pagbangga sa Navy sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
May 3-0 karta ang LaÂdy Rising Suns at sakaling maÂnalo sa larong itiÂnakda sa alas-4 ng hapon ay mahaÂhawakan na ang playoff para sa quarterfinal round.
Galing ang Cagayan sa 25-12, 25-12, 25-16 panalo kontra sa Navy noong naÂkaraang Biyernes kung saÂan gumamit si coach NesÂtor Pamilar ng 13 manÂlalaro.
Ngunit tiyak na liliÂmiÂtahan niya ngayon ang manlalarong isasalang at itutuon ito sa mga kamador sa pangunguna ni Thai spiker Kannika Thipachot na pinaglaro lamang sa unang set sa huling laban ay umiskor pa ng pitong punÂtos.
Sa husay ng 6-foot-3 na si Coco Wang huhugot ng puwersa ang Meralco na aasa rin kina Fille Cainglet, Maica Morada at SteÂÂphanie Mercado para maÂsundan ang mahirap na 25-12, 25-22, 18-25, 23-25, 15-13 tagumpay sa laban sa FEU sa huling laro.
Sina dating MVP MaÂry Jane Balse, Michelle Carolino at Cristina Salak ang gigiya sa Army.