Gin Kings sasagupain ang Aces ngayon: Painters nakabangon

MANILA, Philippines - Humakot si balik-im­port Arizona Reid ng 35 points, 19 rebounds at 4 assists para tulungan ang nag­dedepensang Rain or Shine sa 109-95 paggu­po sa Air21 sa elimination round ng 2013 PBA Go­vernor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Winakasan ng Elasto Pain­t­ers ang kanilang da­lawang sunod na kamalasan.

“This is a big game for us coming back from two bad losses. For the meantime it stopped the blee­ding for us,” sabi ni coach Yeng Guiao.

Isang 14-4 ratsada ni­na Reid, Paul Lee at Ryan Araña ang nagbigay sa Rain or Shine ng 19-10 ka­lamangan bago nakalapit ang Air21 sa 30-32 sa se­cond period.

Mula sa pangunguna ni­na balik-import Zach Gra­ham at Mike Cortez ay nakabangon ang Express sa 87-93 sa ilalim ng huling tatlong minuto sa final canto matapos mag­lista ang Elasto Painters ng isang 12-point lead.

Naghulog ng isang 12-4 bomba, ang 10 dito ay buhat kay Reid, ang Rain or Shine para muling makalayo sa 105-91 na tu­luyan nang tumiyak sa ka­nilang tagumpay.

Sa ikalawang laro, ti­na­­lo ng Petron Blaze ang San Mig Coffee, 89-83.

Umiskor si import Elijah Millsap ng 31 points para sa Boosters.

Samantala, hangad ng Alaska ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Barangay Gi­nebra ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Talk ‘N Text at Globalport sa alas-4:15 ng hapon sa MOA Arena.

Kumuha ng panalo ang Aces sa Elasto Pain­ters, 94-79, noong Agosto 28, habang yumukod naman ang Gin Kings sa Ba­rako Bull Energy, 91-104, noong Biyernes.

Sa nasabing kabiguan ay nagkaroon si 6-foot-8 Japeth Aguilar ng Gin Kings ng isang sprained MCL (medial collateral li­gament) sa kanyang ka­nang tuhod matapos bu­magsak.

Base sa resulta ng MRI (magnetic resonance ima­ging), halos anim na linggong magpapahinga si Aguilar at hindi na maka­ka­laro sa eliminasyon.

Rain or Shine 109 - Reid 39, Lee 19, Araña 14, Belga 9, Norwood 7, Chan 7, Cruz 4, Quiñahan 4, Matias 2, Tang 2, Ibañes 2, Tiu 0, Rod­riguez 0.

Air 21 95 - Canaleta 25, Cortez 21, Graham 18, Ma­nuel 13, Isip 10, Sharma 5, Sena 2, Custodio 1, Omolon 0, Arboleda 0.

Quarterscores: 26-21; 52-47; 80-72; 109-95.

 

Show comments