MANILA, Philippines - Ang kawalan ng opisÂyal na komunikasyon ng paÂmunuan ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) ang dahilan kung baÂkit hinÂdi pa maibigay ang inÂsenÂtibo ni Dennis OrÂcollo.
Si Orcollo ay nanalo ng bronze medal sa naidaÂos na World Games na giÂnawa sa Cali, Colombia.
Naunang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na dapat ay maÂbigyan ng insentibo si OrÂcollo dahil sa kanyang kaÂrangalan.
Subalit hindi makakilos ang ahensya dahil waÂla pang ulat ang BSCP.
“Nasabi kasi ni Dennis na every four years ang World Games kaya kung toÂtoo ito ay mayroon siya talagang makukuhang incentive base sa Incentives Act. Pero wala pa kaming makuha ng official report sa BSCP kaya di ma-verify ito,†paliwanag ni PSC exÂcutive director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Samantala, igagawad ngayong gabi ng PSC ang pagkilala sa mga nanalo sa 27th FIBA Asia Men’s Championship, Asian Indor Martial Arts Games at Asian Youth Games.
Nasa P1.8 milyon ang insentibong ibibigay ng PSC sa simpleng sereÂmonya bilang pagkilala sa karangalan na ibinigay sa bansa.
Ang kasapi ng men’s basketball team na nanalo ng pilak sa 2013 FIBA-Asia Championships para maipasok ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon sa Spain ay bibigyan ng P1 milÂyong inÂsentibo na kanilang pagÂhahatian.
“Ito ay inisyatibo ng PSC dahil wala sa Incentives Act ang mga tournaments na ito. Nasa P1.8 ang halaga na ibibigay at ito ay kukunin sa savings ng PSC,†ani Iroy.