Sea at Lady Lions nagdomina sa swimming

MANILA, Philippines - Muling dinomina ng men’s team ng San Beda Col­lege ang kompetisyon sa swimming sa ika-12 su­nod na pagkakataon at inangkin ng womens’ squad ang kanilang ika­la­­wang sunod na titulo sa 89th NCAA season sa Ri­zal Memorial pool.

Kumolekta ang Sea Lions ng kabuuang 1,230 points para talunin ang Col­lege of Saint Benilde (689.75) at Emilio Agui­nal­do College (374.5).

“I’m so proud and sob­rang happy sa mga swimmers kasi they deserved it.  It was hard work and sacrifice that won it for us,” sa­bi ni San Beda mentor Don­don Roxas.

Humakot naman ang Lady Sea Lions ng 1,001.5 points upang u­ngu­san ang Lady Blazer (837.75) at Lady Generals (457).

Ang San Beda ay ti­nulungan ni Hunga­rian Olympic swimmer Zsu­zsanna Jakabos at ng kan­­yang coach na si Ivan Pet­rov.

“They talked and gave mo­tivation to the team,” sa­bi ni Roxas, hinirang na Coach of the Year.

Ito ang unang pagka­ka­taon na nagkampeon ang Sea Lions na walang na­hirang na MVP winner matapos manguna sa men’s division noong 2002.

Sina Miguel Lorenzo Gon­zaga at Ma. Areza Li­pat ng St. Benilde ang kinilalang MVP sa men’s at women’s divisions.

Nabigo rin ang San Be­da na makamit ang inaasam na Grand Slam nang manalo ang CSB-La Salle Greenhills sa juniors class sa ika-10 sunod na season.

 

Show comments