Rising Suns napasakamay ang liderato sa V-League
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ratsaÂda ng Cagayan Province, habang tinapos naman ng Air Force ang kanilang loÂsing slump sa Shakey’s V-League Season 10 Open ConÂference kahapon sa The Arena sa San Juan CiÂÂty.
Isang set lamang piÂnaglaro ng Lady Rising Suns ang mahusay na Thai spiker na si Kannika ThiÂpachot dahil lahat ng giÂnamit ni head coach Nestor PaÂmilar ay nagpasikat paÂtungo sa 25-12, 25-12, 25-16 straight sets win kontra sa debutanteng Philippine Navy.
Sina Angeli Tabaquero at Aiza Maizo ay gumawa ng 13 at 12 puntos at nagsanib sa 22 kills upang higitan ang 18 attack points ng kalaban sa kabuÂuan ng laro.
Tumapos ang CagaÂyan taglay ang matinding 47 kills.
Tumagal lamang ng 61 minuto ang bakbakan daÂhil hindi nakayang duÂmepensa ng Navy Sailors bukod pa sa malamyang opensa nang wala ni isang manlalaro ang tumapos sa doble-pigura.
May tatlong aces at daÂlawang blocks si JudyAnn Caballejo para sa 12 puntos, habang sina Joy Cases at Maika Ortiz ay may 18 kills para tulungan ang Philippine Air Force na kunin ang unang paÂnalo sa tatlong laro sa paÂmamagitan ng 25-20, 25-21, 25-19 tagumpay laban sa FEU sa unang laro.
Maayos ang itinakbo ng opensa ng Air WoÂmen dahil sa mahusay na paÂglalaro ng setter na si WenÂdy Semana na may 22 excellent sets mula sa 57 attempts.
May 22 excellent sets din si Gyzelle Sy ngunit naÂlaglag pa rin ang Lady TaÂÂmaraws sa 0-3 karta.
- Latest