Airbender inungusan ang hamon ng Pinas Paraiso

MANILA, Philippines - Hindi naubos ang Air­bender mula sa matinding ha­mon ng Pinas Paraiso pa­ra manalo sa tinakbuhang ka­rera noong Miyer­kules ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas.

Si John Alvin Guce ang hinete ng Airbender na siyang binigyan ng pi­nakamabigat na handicap weight sa limang tumak­bo sa 3YO Special Handicap race na inilagay sa 1,200-metro distansya.

Two-horse race ang nangyari dahil ang Airben­der at Pinas Paraiso na hawak ni JPA Guce ang nagbakbakan sa unahan at nagsalitan sa paghawak sa liderato hanggang pasu­kin ang rekta.

Ginamit na ni JA Guce ang latigo para lumabas ang tulin ng Airbender, ha­bang ang Pinas Paraiso ay nakaramdam na ng pagod upang maalpasan pa ng rumeremateng Phantom's Lane ni RO Niu.

Paborito ang Airben­der para magpasok ng P5.50 dibidendo pero de­ha­do ang Phantom's Lane at ang 4-3 forecast ay naghatid ng P100.00 di­bidendo.

Ginulat ng A La­dy In Waiting ang mga mas pi­naboran sa katunggali sa 3YO and Above Maiden Race nang dominahin ang 1,200-metro distansyang ka­rera.

Nasa P46.00 pa ang ibi­­nigay sa 3-2 forecast, ha­bang P29.50 ang inabot sa win ng kabayo.

 

Show comments