Cambronero kumuha ng 4 ginto sa BP

TAGUM CITY, Philippines—Kumuha ng apat na gintong medalya si tanker Samantha Cambronero sa pagdomina ng Davao City sa swimming event ng 2013 Batang Pinoy Mindanao qualifying leg sa Davao del Norte Sports and Tou­rism Center.

Pinagreynahan ng 15-anyos na estudyante ng Precious International School of Davao ang girls’ 13-15 50-meter breaststroke (38.61 segundo), 200m breast (3:02.14),  50m butterfly (35.31) at pi­namunuan ang koponan sa 200m medley relay (2:26.26) katuwang sina Pia Alissandra Ballos, Ha­kura Jade Shimizu at Shea­netelle Fox.

Nagbigay naman ng tig-tatlong ginto para sa Da­vao City sina Katrina Nicole Aguelo, Fritz Rod­riguez at Fox sa kani-ka­nilang mga events.

Sa kasalukuyan, naka­kuha na ang Davao City ng 19 gold medals.

May tig-dalawa sina Rey Jacob Alino, Cedric Fox, Zoe Marie Hilario, Juan Antonio Mendoza at Chyll Bea Amparo.

 

Show comments