UST Tigers tinapos ang kamalasan Eagles wagi sa Tams

MANILA, Philippines - Muling ibinalik ng Blue Eagles sa lupa ang Tamaraws para ipagpatuloy ang kanilang mainit na pagbangon mula sa 0-4 panimula.

Ipinagpag ng five-time champions na Ateneo De Manila University ang Far Eastern University, 92-73, sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumipa si Juami Tiongson ng 20 points pa­­ra banderahan ang kopo­nan kasu­nod ang 18 ni Kie­fer Ra­ve­na.

Nagdagdag naman si rookie Christ Newsome ng 11 points at 14 boards.

Maagang inalis ng Blue Eagles ang pag-asa ng Tamaraws matapos ku­nin ang 26-8 abante sa first quarter.

Isang 6-0 atake ang ginawa ng Ateneo sa pagsisimula ng second period para ibaon ang FEU, winalis ang first round bago natalo ng dalawang sunod sa pagbubukas ng second round, sa 32-13.

Ipinoste ng Blue Eagles ang malaking 73-40 ka­lamangan sa Ta­ma­raws, nanggaling sa 98-94 double overtime win laban sa University of the East Red Warriors noong Linggo, sa third quarter.

Ang nasabing panalo sa FEU ang gagamitin ng Ateneo sa pagsagupa sa karibal na De La Salle Uni­versity sa Linggo.

“We responded well and we hope that we can carry this momentum against strong teams like La Salle,” ani Blue Eagles’ rookie coach Bo Pe­rasol.

Binanderahan ni Terrence Romeo ang Tamaraws mula sa kanyang 19 points, ngunit may 7-of-24 fieldgoals shooting.

Nag-ambag naman si RR Garcia ng 11 markers.

Sa ikalawang laro, wi­nakasan naman ng Uni­ver­sity of Sto. Tomas ang ka­nilang three-game lo­sing slump matapos talu­nin ang Adamson University,  80-67.

Ateneo 92 – Tiongson 20, Ravena 18, Newsome 11, Tolentino 9, Golla 9, Bue­nafe 9, Pessumal 5, Elorde 5, Capacio 4, Erram 2, Murphy 0, Enriquez 0, Asuncion 0, Asistio 0.

FEU 73 – Romeo 19, Gar­cia 11, Tolomia 9, Pogoy 9, Hargrove 6, Belo 6, Jose 5, Iñigo 3, Cruz 3, Lee Yu 2, Sentcheu 0, Mendoza 0, Luz 0, Dennison 0, Delfinado 0, Aguilon 0.

Quarterscores: 26-11; 51-28; 73-45; 92-73.

UST 80 - Abdul 19, Daquioag 17, Mariano 16, Lo 8, Ferrer 8, Bautista 6, She­riff 4, Hainga 2, Pe 0.

Adamson 67 - Brondial 15, Cruz 13, Trollano 12, Rios 12, Sewa 6, Cabrera 5, Monteclaro 2, Iñigo 2, Petilos 0, Julkipli 0, Agustin 0, Abrigo 0.

Quarterscores: 15-18; 31-30; 51-47; 80-67.

Show comments