MANILA, Philippines - Pormal na inihayag kaÂhapon ng seven-time All-Star na si Tracy McÂGrady ang kanyang pagÂreretiro sa NBA.
“It’s been 16 years plaÂying the game I love,†saÂbi ni McGrady sa panaÂyam ng ESPN. “I’ve had a great run, but it’s time for it to come to an end.â€
Dahil dito ay tinapos ni McGrady ang kanyang 16 taong paglalaro sa NBA.
Naglaro ang 34-anyos na si McGrady sa China noÂong nakaraang season baÂgo nakita sa aksyon paÂra sa San Antonio Spurs sa kainitan ng NBA Playoffs.
Naglaro siya sa anim na postseason games para sa San Antonio.
Sa kabila ng kanyang pagreretiro sa NBA, sinabi ni McGrady na maaari pa rin siyang bumalik sa China.
“Officially retired from the NBA. Door’s still open,†sabi ni McGraÂdy, naglaro para sa Qingdao Eagles sa Chinese BasÂÂÂketball Association noÂÂÂong 2012-13 season baÂgo bumalik sa NBA para maglaro sa Spurs.
Minsang nakatapat siÂna Kobe Bryant at Vince CarÂter, kumampanya si McÂGrady para sa Toronto Raptors, Orlando Magic, Houston Rockets, New York Knicks, Detroit Pistons, Atlanta Hawks at Spurs.
“Congrats to Tracy McÂGrady on an awesome career,’’ sabi ni LeBron James ng two-time defenÂding champions na Miami Heat sa kanyang Twitter account. “7-time All-NBA (2 1st Team), 2-time scoÂring champ, and just an all-around dazzling taÂlent.’’
Si McGrady ang ninth pick noong 1997 Draft muÂÂla sa high school at hiÂnirang na Most Improved Player noong 2001.
Dalawang ulit siyang naÂÂnalo ng scoring titles noÂÂong 2001-02 at 2002-03 seasons.
Nagposte siya ng mga career averages na 19.6 points, 5.6 rebounds at 4.4 assists.
Bago ihayag ang kanyang retirement, siya ang naging pang 10th active plaÂyers na nagposte ng 18,381 points.