MANILA, Philippines - Pinatawan ng two-game suspension si import Charles Mammie at one-game suspension kay Lord Casajeros ng UniÂverÂsity of the East.
Ito ay matapos rebÂyuÂhin ni UAAP CommisÂsioÂner Chito Loyzaga ang 98-94 double overtime win ng Far Eastern UniÂverÂsity kontra sa UE noÂong Linggo.
Nakita sa video ang pagÂlalabas ni Mammie ng kanÂyang paa na siyang natapakan ni Tamaraws’ star guard Terrence Romeo maÂtapos ang kanyang three-point shot sa fourth quarter.
Nauna nang iniinda ni Romeo ang isang ankle inÂjury na kanyang nakuha sa kanilang team practice.
Ito ang magiging ikalawang pagkakataon na maÂkakatanggap ng suspensyon ang 6-foot-7 na si Mammie.
Napatawan si Mammie ng isang one-game ban dahil sa kanyang ‘conÂfronting, pushing, and kicking’ kay Adamson player Roider Cabrera matapos matalo ang Red Warriors sa Falcons, 71-78, noong Hulyo 11.
Sinuntok naman ni CaÂÂsajeros si Romeo sa naÂtuÂrang UE-FEU game.
Binigyan na ng UAAP Commissioner ng warÂning si Casajeros dahil sa paÂkikipagpormahan kay CabÂrera sa laban ng Red WarÂriors at Falcons.