James gustong makakuha ng chemistry kay oden

MIAMI -- May ebidensya si Miami Heat star Le­Bron James na pinipilit niyang magkaroon sila ng che­mistry ng bagong hugot na si center Greg Oden.

Nagposte si James ng isang litrato sa Instagram na nagpapakita sa kanilang dalawa ni Oden na nagpapapa­wis sa weight room.

Lumagda si Oden, ang dating No. 1 draft pick na hin­di pa naglalaro sa NBA sapul noong 2009 dahil sa kan­yang problema sa tuhod, ng isang two-year deal sa Heat.

Matapos bumandera para sa Ohio State, kinuha si Oden ng Portland Trail Blazers bilang No. 1 overall pick noong 2007 draft.

Nakita lamang siya sa 82 laro bago nagkaroon ng mga injuries.

Hangad niyang makabalik sa pamamagitan ng pag­lalaro para sa Heat na hangad ang kanilang pangatlong sunod na NBA title.

Show comments