Tamaraws nakabangon sa 2-game slump; Blue Eagles itinala ang 4-game winning run

MANILA, Philippines - Bumangon ang Far Eas­tern University mula sa dalawang sunod na ka­malasan nang gibain ang Uni­versity of the East buhat sa isang double-over­­time win, 98-94, sa se­­cond round ng 76th UAAP men’s basketball tour­­­nament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos walisin ang first round ay natalo ang FEU sa National University at De La Salle Uni­ver­­sity sa pagsisimula ng se­cond round.

Nagwakas naman ang itinalang four-game winning streak ng UE.

Kinuha ng FEU ang 65-48 bentahe sa 7:58 sa fourth quarter bago nakabalik ang UE para itabla ang laro sa  70-70 sa hu­ling 50 segundo patungo sa unang overtime.

Ipinoste naman ng Red Warriors ang 84-77 ka­lamangan sa natitirang 23 segundo kasunod ang rat­sada nina Romeo at  Gryann Mendoza para idi­kit ang Tamaraws sa 82-84 agwat sa huling14 se­gundo.

Matapos ang split ni Roi Sumang para sa 85-82 ka­lamangan ng UE, nagsalpak naman si Tolomia ng isang tres para itabla ang labanan sa 85-85 papunta sa ikalawang extension period.

Mula sa 87-91 agwat sa 3:04 ay naghulog ng isang 8-0 bom­ba ang Tamaraws mu­la kina Romeo at Men­do­­za.

Sa unang laro, muntik nang mauwi sa basura ang iti­nayong 27-point lead ng five-time champions Ate­neo matapos makabalik sa porma sa dulo ng fourth quarter para pa­dapain ang Adamson, 79-66.

Ito ang ikaapat na dikit na ratsada ng Blue Eagles matapos ang 0-4 pani­mula.

 

Show comments