Barako bull kumamada

MANILA, Philippines - Kinuha ng Barako Bull ang kanilang ikala­wang sunod na panalo ma­tapos igupo ang Air21, 103-94, sa elimination round ng 2013 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagposte si import Mi­chael Singletary ng game-high na 41 points para ban­derahan ang ta­gum­pay ng Energy, nauna nang natalo sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa over­time, 113-118, noong Agosto 16 bago lusutan ang Meralco Bolts, 90-89, no­ong Agosto 18.

Nag-ambag sina Dan­ny Seigle at Ronjay Bue­nafe ng tig-18 markers kasunod ang 12 ni pointguard Eman Monfort, tam­pok dito ang isang three-point shot sa huling tat­long minuto ng fourth quarter na siyang sumelyo sa kanilang panalo.

“It’s a big win for us,” sa­bi ni Barako Bull Ser­bian coach Rajko Toroman. “We played good bas­ketball in the first half but the game is not over.”

Umiskor ang balik-im­port na si Zach Graham ng 34 points para sa Express.

Matapos kunin ng E­nergy ang isang 12-point lead, 83-71, sa third period ay nakalapit ang Express sa 92-94 agwat sa huling apat na minuto sa fourth quarter mula sa isang tres ni Canaleta.

Isang maikling 7-2 ata­ke ang inilunsad nina Singletary, Monfort at Chris Jensen ng Energy pa­ra muling iwanan ang Ex­press sa 101-93 sa hu­ling 1:16.

 

Show comments