MANILA, Philippines - Taliwas sa naunang pahayag ni chief trainer Freddie Roach, magiging komportable si Brandon ‘Bam Bam’ Rios na labanan si Manny Pacquiao sa welterweight division (147 pounds).
Sa panayam ng On The Ropes Boxing Program, sinabi ni Rios na gagamitin niya ang kanyang tangkad para talunin ang Filipino world eight-division champion na si Pacquiao.
“Definitely I think that’s gonna be one of the big things too because I am way bigger than Pacquiao and yes I’m gonna be comfortable fighting at 147 lbs,†wika ng 5-foot-8 na si Rios sa 5’6 1/2 na si Pacquiao.
Sinabi pa ng 27-anyos na Mexican-American na hindi makakaapekto sa kanyang lakas at kilos ang pag-akyat sa welterweight class mula sa pagkampanya sa lightweight division.
“I know I was supposed to fight at 140 but the last 2-3 pounds is not gonna kill me, it won’t be a factor, so 147 is gonna be a great opportunity for me,†pahayag ni Rios. “I’m gonna feel very strong at 147 lbs. My walking around weight is at 155 so it’s not gonna be hard to make 147. I’m probably about 159-160 right now,†dagdag pa niya.
Si Rios ay dating lightweight titlist ng World Boxing Association.
Ang laban nina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) ay non-title at gaganapin sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Nauna nang sinabi ni Roach na hindi kakayanin ni Rios ang mga pakakawalang suntok ni Pacquiao sa kanilang laban sa welterweight category.
Sinabi ng 27-anyos na si Rios na maaaring tumimbang siya ng 150 pounds sa araw ng kanilang laban ng 34-anyos na si Pacquiao kaya makakaya niyang tanggapin ang mga pakakawalang suntok ng Filipino boxing icon.