Padilla masaya sa ipinakita ng Phl youth team sa AYG

MANILA, Philippines - Wala nang mahihiling pa si Nahaniel ‘Tac’ Padilla, chef-de-mission ng Philippine delegation sa second Asian Youth Games  matapos ang magandang ipinakita ng mga Phl youth athletes sa 10-araw na kompetisyon.

 Sinabi ni Padilla, dati ring youth athlete, bago pa man umalis ang delegasyon na kaya nilang manalo ng gold ng 54-strong delegation.

“I was confident we can win the gold here but our athletes did not only deliver one but two gold medals on top of three silver medals,” sabi ni Padilla.

 Sina golfer Mia Legaspi at taekwondo jin Pauline Louise Lopez ang nanalo ng gold habang sina Princess Superal ng golf, Francis Aaron Agojo ng taekwondo at Jurence Mendoza ng tennis ang nagdeliber ng silvers.

 

Show comments