^

PM Sports

Magreretiro na si Iverson

Pang-masa

MANILA, Philippines - Anumang araw ay ihahayag na ni Allen Iverson ang kanyang retirement sa NBA. Unang iniulat ng SLAM Magazine na ang 2001 NBA MVP at 11-time All-Star ay magreretiro na matapos lumaro sa Turkey.

Hindi nakalaro si Iverson sa NBA sapul noong Feb. 2010 at marami nang hindi magandang balita ang naririnig sa kanya.

Iiwanan ni Iverson ang NBA nang hindi kunin ng mga NBA squads noong 2010-11, 2011-12, 2012-13 seasons at posibleng hindi pa rin makakalaro ngayong 2013-14 season.

Bagama’t hindi pa matanda si Allen nang iwan niya ang Philadelphia 76ers sa edad na 34, iyon na marahil ang naging katapusan ng kanyang NBA career.

Alam ng mga NBA general managers na iniwan ni Iverson ang Philadelphia noong December ng 2006 (bago ibinigay sa Denver) at lumipat sa Memphis Grizzlies  at hindi naging maganda ang kanyang na-ging pakikipaghiwalay sa  mga koponang ito.

Sa tingin ng mga teams, mas mabuting malayo sa arena si Iverson kaysa maglaro para sa kanila.

Bago ito, lumikom ang 6-footer na si  Iverson ng mahigit 24,000 points dahil sa kanyang scoring guard mentality para sa 26.7 career points per game average kasama ang 6.2 assists per game na kinapalooban ng apat na NBA titles.

Inihatid niya ang may kahinaang Philadelphia 76ers sa NBA Finals noong 2001, at tinulu-ngan din niya itong makapasok sa walong playoffs.

Sumikat si Iverson dahil kahit maliit ito ay kaya niyang makipagsabayan sa mga mahuhusay na malalaking players sa NBA at nakilala rin siya dahil  sa kanyang buhok na cornrows at napakaraming  tattoo.

 

vuukle comment

ALAM

ALLEN IVERSON

ANUMANG

BAGAMA

FEB

IIWANAN

IVERSON

MEMPHIS GRIZZLIES

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with