MANILA, Philippines - Plano ni chief trainer Freddie Roach na bawasan ang sparring sessions ni Manny Pacquiao sa hangaring hindi makaranas ng ‘overtraining’ ang Filipino world eight-division champion para sa kanyang laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Sa panayam ng Fight Hub, sinabi ni Roach na 40 rounds ang kanyang ibabawas sa kabuuang sparring rounds ng 34-anyos na si Pacquiao.
“Normally we go to about 150 rounds average, I think we have to cut a little bit from that,†wika ni Roach sa gagawin nilang sparring session ni Pacquiao. “I think we will go 110 (rounds).â€
Sa General Santos City gagawin ang training camp nina Pacquiao at Roach kung saan inaasahang magdadala ang five-time Trainer of the Year awardee ng mga sparmates ng Sarangani Congressman.
Anim na linggo ang gagawing pagsasanay ni Pacquiao sa training camp, dagdag ni Roach.
“I think when we train Manny it won’t be too long, ‘cause he gets in shape pretty fast and I don’t want to burn him out. So we’ll have a 6-week training camp,†ani Roach kay Pacquiao na nanggaling sa isang sixthround KO loss kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8, 2012.
Bago ito, natalo muna si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr mula sa isang kontrobersyal na split decision loss noong Hunyo 9, 2012 kung saan naagaw sa kanya ng American fighter ang suot na World Boxing Organization welterweight title.
Sinabi ni Roach na kung may makikita siyang kakaiba kay Pacquiao sa training camp ay kaagad niya itong kakausapin at hihikayatin nang magretiro.
“The thing is, if I see him slip in training camp then I’ll tell him it’s over. But until we get there we don’t know,†wika ni Roach.
“My number one prio-rity is to take care of my fighter no matter what. That means in the gym or in the fight,†dagdag pa nito.