Lawson kinasuhan ng harassment

DENVER -- Sinampahan si Nuggets point guard Ty Lawson ng kasong physical harassment at criminal mischief noong Sabado sa Arapahoe County, Colora­do, ayon sa ulat ng Denver Post.

Nagtungo si Lawson sa korte noong Lunes para dinggin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Pinalaya siya matapos magbayad ng $1,000 bond.

Sangkot umano si Lawson sa isang domestic violence, ayon sa ulat ng KMGH, ang ABC television sa Denver.

 

Show comments