Detroit wala pang desisyon para kay Jason Collins

Pinag-ensayo ng Detroit Pistons si Jason Collins, ngu­nit hindi pa nagdedesisyon kung kukunin ang vete­ran center, ayon sa Sports Illustrated.

Iniulat ng SI published ang isang co-authored essay ni Collins noong Abril kung saan siya ang naging kauna-unahang male athlete sa apat na major North Ame­rican sports na nagbunyag na siya ay isang bakla.

Ang Pistons ay may isa pang posisyon para sa isang guaranteed contract sa kanilang 15-player roster.

Ang 34-anyos na si Collins ay lumagda ng isang one-year deal sa Boston Celtics noong nakaraang taon at nagtala ng mga averages na 1.1 points at 1.6 points sa 32 laro.

Nakita din siya sa anim na laro para sa Washington Wizards noong nakaraang season.

 

Show comments