Fund drive ng Gilas Pilipinas para sa mga nasalanta ng bagyo

MANILA, Philippines - Nagpasimula ng isang fund drive ang Gilas Pilipinas para sa mga biktima ng hanging habagat at ng  bag­yong ‘Maring’.

Ang fund drive ay na­ka­kabit sa Alagang Ka­pa­­tid Foundation, ang cor­­­porate social responsi­bi­­li­ty arm ng TV5.

“alagangkapatid:We’re setting up a #GilasPilipinasMaringFund. Reques­ted our players and others to donate to BDO and BPI account #s on ur FB,” wi­ka kahapon ni Gilas Pi­li­pinas head coach Chot Re­­yes sa kanyang twitter account na @coachchot.

Ang mga donasyon ay maaaring idiretso sa Gilas Pilipinas Maring Fund sa pamamagitan ng BDO ac­count 00-5310-41016-4 o sa BPI account 1443-0533-32.

“My prayers to every­one in the Philippines figh­ting through the rain and floods. Be safe!,” sa­bi ni Gilas Pilipinas at Talk ‘N Text point guard Jim­my Alapag sa kanyang Twit­ter account na @JAlapag3.

Nauna nang humingi ng tulong si NBA start at Los Angeles Lakers center Pau Gasol para sa mga naging biktima ng baha sa bansa ka­makalawa sa pa­mama­gitan ng kanyang Twit­ter account na @pau­gasol.

Show comments