May naipakita na si Taha

MANILA, Philippines - Naipakita na rin ni Paolo Taha ang larong hinahanap sa kanya ng College of St. Benilde para makabangon mula sa dating kinalulugaran na huling puwesto sa 89th NCAA men’s basketball.

“Siya ang isa sa mga leader ng team at inaasa-han ko siya na magpakita,” wika ni Blazers first year coach Gabby Velasco.

Sa huling tatlong laro ay lutang ang husay ni Taha at ang Blazers ay nagkaroon ng three-game winning streak upang maisantabi ang 0-5 start.

Dahil sa pagbibida, ni Taha, siya ang kinilala bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

May 16.33 puntos kada laro si Taha nang  magpapanalo ang Blazers at sa  huling laro laban sa Mapua na kanilang dinurog, 84-64, siya ay gumawa ng 24 puntos at may 11 rebounds.

Umaasa si Velasco na hindi magbabago ang laro ni Taha at ng iba pang sinasandalan tulad nina Mark Romero at Jeffrey Grey upang magtuluy-tuloy ang kanilang pagbangon at manatiling nasa kontensyon na maalpasan ang elimination round.

 

Show comments