Filipino athletes wagi sa badminton talo naman sa judo sa 2nd AYG

NANJING, China – Ta­nging sa badminton na­ka­pagtala ng panalo ang mga Filipino bets sa 2nd Asian Youth Games.

Bagama’t natalo si Lea Inlayo sa first set kay Cam­bodian Pichchoravy Ker ay nakabawi naman ito sa sumunod na dalawang laban para kunin ang 14-21, 21-9, 21-8 pa­nalo sa Nanjing Sports Ins­titute Gym.

Kabiguan ang sinapit ni Alvin Morada kay Mi­no­ru Koga ng Japan, 21-13, 21-18, dahil sa kanyang mga errors.

Nagtulong naman si­na Inlayo at Marky Al­ca­la para igupo sina Peoples Re­public of Korea bets Kumsong Ri at Unjong Kim, 21-5, 21-9, sa mixed doubles.

Sa judo, natalo si Miam Salvador kay O Son Hui ng Korea via Waza-Ari with Ketsa-gatame sa 01:24 sa girls’ minus 44 kg., habang nabigo si Floyd Derek Rillera kay Ah­med Aburumaila ng Pa­lestine.

Sina Renzo Cazenas at Jann Ken Raquepo ang na­i­wang panlaban ng bansa sa  judo.

Yumukod si weightlif­ter Elien Rose Perez matapos pumang-walo sa girls’ 48 kg. mula sa kanyang mga buhat na 55-55-60 sa snatch at 70 sa clean and jerk para sa 130 kg. total.

Inangkin ni Jang Huihua ng China ang gold me­­dal.

 

 

Show comments