Smart kontra FEU sa pagbubukas ng V-League

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Meralco vs PNP

4 p.m. Smart vs FEU

 

MANILA, Philippines - Masusuri ang kalidad ng Smart sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang tropa ni coach Roger Gorayeb ang isa sa ipina­­palagay na malakas na koponan sa liga at maipapakita nila ito kontra sa FEUsa alas-4 ng hapon.

Ang unang laro ay sa pagitan ng Meralco at Philip­pine National Police sa ganap na alas-2 ng hapon.

Mahalaga ang panalong makukuha dahil single-round robin ang format ng torneo at ang anim na ko­po­nan ay aabante sa quarterfinals at bibitbitin ang ka­nilang records sa susunod na yugto.

Ang dalawang matitikas na setters na sina Rubie De Leon at Jem Ferrer ay maglalaro sa Smart, bukod pa kina spikers Suzanne Roces, Alyssa Valdez at Charo Soriano.

Sa panig ng FEU na natatanging collegiate team sa torneo, sila ay inaasahang pamumunuan ni dating UAAP best setter Gyzelle Sy.

Magkakasama naman sa Meralco ang mga dating magkakaribal sa Ateneo at La Salle na sina Fille Cainglet, Stephanie Mercado, Maureen Penetrante-Ouano at Ivy Remulla.

Masusukat ang kanilang tibay laban sa PNP na bi­nu­buo ng mga beteranong manlalaro sa pamumuno ni Michelle Datuin.

Ang mga laro ay mapapanood sa GMA News TV Channel 11 sa delayed basis at ang unang laro ay ipapalabas bukas at sa Martes ang pagsasaere sa ikalawang laro.

Show comments