Phl Youth athletes sasabak na sa AYG

NANJING – Sisimulan ng mga Filipino athletes ang kanilang kampanya sa pagsisimula ngayon ng 2nd Asian Youth Games sa iba’t ibang venues.

Pormal na binuksan ang AYG kagabi sa isang simpleng seremonya sa Nanjing University Gymnasium.

Kaagad na ilalatag ang mga medalya sa finals events ng judo at weightlifting kung saan sasabak sina judokas Miam Salvador at Floyd Derek Rillera at weightlifter Elien Rose Perez.

Ang parehong 15-anyos na sina Salvador at Rillera, produkto ng Batang Pinoy, ang kakampanya sa girls’ minus 44 kg at boys’ minus 55 kg events, ayon sa pagkakasunod sa Longjiang Stadium.

Nakatakda ang prelimi-naries sa ala-1 ng hapon.

Maganda naman ang tsansa ng 14-anyos na si Perez sa weightlifting matapos pumang-apat sa Asian Youth Weightlifting Championships sa Doha noong Mayo.

 Maliban sa gold medalist mula sa China, karamihan sa kanyang mga nakaharap noong Mayo ay hindi kasali sa kanyang event.

Ang 2nd AYG ay para sa batang atletang may edad 14 hanggang 17-an-yos ay nagsisilbi ring qualifier para sa 2014 Youth Olympics na gagawin din dito sa Nanjing.

Matutunghayan naman sina Filipino badminton players Allysa Ysabel Leonardo, Joella de Vera, Alvin Morada at second seed Mark Shelley Alcala sa singles at mixed doubles events.

Makakatapat ng Phi-lippine seven-a-side rugby team ang Hong Kong sa Pool B sa Youth Olympic Sports Park sa alas-5:30 ng hapon.

Ang koponan ay binubuo nina Terry Boy Cayetano, Jonel Madrona, Kingsley Ballesteros, Greg George Maleval, Juliann Viktor Feleo, Joshua Whyte, Naimar Candela-ria, Andrew Holgate, Albert Rano, Racel Naevasa at Miguel Francis Ayala.

Sina Emy Rose Dael, Jamaica Dianne Sy, Ryan Jacobo at Vince Olivia ay lalahok sa first at second rounds ng table tennis sa Wutaishan Gymnasium.

Sa 3-on-3 basketball, makikita sina George Isaac Go, Patrick Ramirez at Andrei Caracut sa isang double-header kontra sa Indonesia sa alas-6:30 ng gabi at laban sa Saudi Arabia sa alas-9 sa Witaisan courts.

Show comments