MANILA, Philippines - Nakawala kay Grandmaster Wesely So ang isa sanang draw na nagresulta sa kanyang kabiguan kay Russian GM Evgeny Tomashevsky sa 51 moves ng Grunfeld Defense sa una sa kanilang two-game second round duel sa FIDE World Chess Cup sa Tromso, Norway.
Nanggaling si So sa 1.5-.5 paggupo kay Ukranian-born Alexander Ipatov ng Turkey sa opening round.
Nakorner ni So ang rook ni Tomashevsky ngunit naipamigay naman ang kanyang tatlong pawns at isang bishop na naging dahilan ng kanyang pagkatalo.
Dahil sa kabiguan kay Tomashevsky, ang 2009 European champion at miyembro ng Russian team na kumuha ng gold medal sa World Team Cham-pionships, kailangan ni So na maipanalo ang kanilang ikalawang laro.
Sakaling muling matalo ay tuluyan nang mapapatalsik si So kasama ang mga kababayang sina Oliver Barbosa at Mark Paragua, winalis sa kanilang mga first round matches nina Vietnamese Le Quang Liem at Russian Dimitry Jakovenko, ayon sa pagkakasunod.
Hangad ni So, nagla-laro para sa US NCAA Division I Webster University na mapaganda ang kanyang fourth round appearance noong 2009 kung saan niya ginitla sina dating world challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine at many-time US team’s top board Olympiad player Gata Kamsky bago natalo kay Russian Vladimir Malakov.