MANILA, Philippines -Maipagpatuloy ang winning streak ang pagsisikapan ng Letran sa pagharap sa University of Perpetual Help System Dalta sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ikawalong dikit na panalo ang pakay ng Knights sa Altas sa ganap na ika-4 ng hapon na tunggalian at kung ma-ngibabaw pa ay lalapit sa isang laro para walisin ang unang ikutan.
Ikalimang panalo na magpapatindi sa kapit sa ikaapat na puwesto sa standings ang nakataya sa Jose Rizal University sa pagsagupa sa Lyceum sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi.
Nagsosolo sa ikaapat na puwesto ang bataan ni coach Vergel Meneses matapos matalo ang da-ting kasalo na San Sebastian sa nagdedepensang kampeon San Beda, 64-83, noong Lunes.
Papasok ang Heavy Bombers mula sa 67-63 tagumpay sa Stags noong Hulyo 27 at paborito sa laban dahil tatlong manlalaro ng Pirates ang hindi nila makakasama sa tagisang ito.
Si Dexter Zamora ay hindi pa rin makakapag-laro matapos patawan ng tatlong game suspension nang nasangkot sa gulo sa St. Benilde noong Hul-yo 25 habang sina Mark Francisco at Joseph Ambohot ay suspindido rin dahil sa di magandang ipinakita sa natalong laro laban sa Emilio Aguinaldo College noong Hulyo 29.
May kumpiyansa naman si Letran coach Caloy Garcia na magpapatuloy ang magandang laro ng bataaan lalo pa’t nakapagpahinga sila.
Ibayong enerhiya ang inaasahang makikita kina Raymond Almazan, Mark Cruz, Kevin Racal at Rey Nambatac para manatiling nakaagwat ang Knights sa San Beda na may 7-1 baraha.
“The long break gave our players the time to rest their tired bodies. It also gave us time to really prepare for the Altas,†wika ni Garcia.
Tiyak na makikipagsabayan ang Altas para makabangon mula sa 65-72 pagkatalo sa Baste noong Hulyo 27.