CEU wagi sa St. Claresa NAASCU

MANILA, Philippines - Tinalo ng Centro Escolar University ang nag­de­depensang St. Clare College of Caloocan, 45-44, sa pagbubukas ng 2013 National Athletic Asso­ciation of Schools, Col­leges and Universities (NA­ASCU) kahapon sa Ma­kati Coliseum.

Pinangunahan nina Jo­­seph Senorifa at Alvin Abundo ang atake ng Scor­pions para resbakan ang Saints na tumalo sa ka­­nila sa 2012 NAASCU Fi­­nals.

Tumipa si Senorifa ng 12 points, habang may 10 si Abundo para sa CEU sa nasabing eight-team league na pinamamahala­an ng Our Lady of Fatima Uni­versity (OLFU).

Nagtuwang sina Seno­rifa at Abundo sa isang 9-3 palitan matapos magtabla sa 35-35 kasunod ang mahigpit na depensang ibinigay ng Scor­pions laban sa Saints.

Samantala, nagsilbi na­mang guest of honor si dating PBA superstar Ver­gel Meneses kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) sec­retary-general Steve Hon­tiveros at basketball sup­porter Alex Wang sa ope­ning ceremony.

Nakasama ng tatlo si­na league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare at president Dr. Vicente O. Santos Jr. ng OLFU.

Show comments