MANILA, Philippines - Hindi nasira ang takbo ng Blue Phoenix sa rekta para makuha ang panalo na nangyari noong BiyerÂnes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa class division 1-C giÂnawa ang tagisan sa 1,300-metro distansya at ang kabayong hawak ni Esteban de Vera ay naÂkitaan ng tibay sa labaÂnan kontra sa dehado ring Thunder Bird upang maÂkuha ang tagumpay matapos ang mga kabiguan sa mas mataas na class division 1-B.
Nagawa pang lumamang ng isang ulo ang ThunÂder Bird na hawak ni Roderick Hipolito, ngunit naÂkabawi ang Blue Phoenix sa huling 75 metro paÂra umalagwa sa meta.
May winning time na 1:24.6 ang Blue Phoenix sa kuwartos na 7, 24, 24 at 29’ upang makuha rin ang unang panalo sa dalawang takbo sa buwan ng Agosto.
Naubos naman ang ThunÂder Bird para maÂlamÂpaÂÂsan ang second choice na Ideal View na giÂnabaÂyan ni Pat Dilema.
Nagpasok ang win ng P43.00, habang ang 4-8 forecast ay mayroong P139.50 na ipinamahaÂgi.
Ang pagpasok ng Thunder Bird sa trifecta paÂra makabuo ng 4-8-6 kumÂbinasyon ay may maÂgandang P7,982.80 dibidendo.
Napangatawanan naman ng Market Garden ang pagiging paborito sa race 8 na isang class division 1 race matapos ang doÂminanteng panalo.
Pumangalawa lamang ang Stunning Success na tulad ng Market Garden na hawak ni Jessie Guce ay nanggaling sa pangalawang puwestong pagtatapos sa huling karera.
May 1:22.6 tiyempo sa kuwartos na 7, 23, 24, 28, ang Market Garden na ibinalik mula sa bakasyon noong nakaraang buwan.
Nagkahalaga ng P6.00 ang win, habang P17.00 ang ibinigay sa 6-3 forecast.
Ang pinakaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Final Judgement sa class division 1-B na piÂnatakbo sa 1,300-metro disÂtansya.
Ikalawang panalo sa huÂling tatlong takbo ito ng kabayopara maÂkapaghatid ng P5.00 sa win.