Phl Azkals umakyat sa No. 141
MANILA, Philippines - Nakamit ng Philippine men’s football team ang kanilang pinakamataas na world ranking.
Mula sa dating pagiging No. 144 noong nakaraang buwan ay umakyat sa No. 141 ang Philippine Azkals sa Fifa ranking.
Ang dating pinakamatas na puwestong nakuha ng bansa ay No. 143 noong Nobyembre ng nakaraang taÂon.
Halos wala silang sinalihang torneo noong Hulyo, nguÂnit naungusan pa rin ng Azkals ang St. Lucia (142), Belize (143) at Syria (147).
Ang Thailand ang nanantiling top team sa Southeast Asia mula sa pagiging No. 137.
Kasunod naman ng Thailand ang Singapore na tuÂmaÂtayong No. 155.
Nakatakdang labanan ng Azkals ang Indonesia sa Miyerkules para sa isang international friendly.
Ilang miyembro ng Under-23 ang makikipag-agawan ng puwesto para sa koponang ipapadala ng PhiÂlipÂpine Football Federation sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Nauna nang inireklamo ng PFF ang pagwawalang-baÂhala sa kanila ng Philippine Olympic Committee para makasali sa 2013 Myanmar SEA Games sa DisÂyembre.
- Latest