MANILA, Philippines - Matapos ang kaÂnilang promotional tour ay magbabalik si ManÂny Pacquiao sa Pilipinas para simulan ang kaÂnilang training camp ni chief trainer Freddie Roach.
Isang six-week traiÂning program ang inihanda ni Roach para sa FiÂlipino world eight-diÂvision champion.
At kung may nakiÂta siyang pagbabago sa kilos ni Pacquiao ay perÂsonal niya itong kakaÂusapin at hihikayatin nang magretiro.
“I’ll even go so far as to say if I see flaws in training camp, I’ll tell Manny, ‘It’s over,’†ani Roach. “The thing is, until we get there, we really don’t know. We can’t really guess. If he doesn’t respond to traiÂning camp, my No. 1 prioÂrity is to take care of my fighter, no matter what.â€
Idinaos ang huÂling press conference nina PacÂquiao at Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Crystal Ballroom sa BeÂverly Hills Hotel sa Los AnÂgeles.
Sinimulan ang proÂmoÂtional tour nina Pacquiao at Rios sa Macau kaÂsunod sa Beijing at Shanghai sa China at sa Singapore.
Dinala ito sa ConnecÂticut, New York at sa Los Angeles.
Sa Oktubre ay sisiÂmuÂlan nina Pacquiao at Roach ang kanilang traiÂning camp sa General SanÂtos City.
Natapos na ang proÂmoÂÂtional tour para sa laÂban nina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Ayon kay Pacquiao, hindi siya pumipili ng maÂgaang na kalaban.
“I didn’t choose an easy opponent,†sabi ni Pacquiao. “I didn’t choose a tuneup fight. I chose to fight a good fighter. ... I love to fight. I love to throw a lot of punÂches. I have to make sure I’m in 100 percent condition and the killer instinct is still there.â€
Ang laban sa 27-anÂyos na si Rios (31-1-1, 23 knockouts) ang magpapatunay na kaya pang manalo at magpabagsak ng kalaban ang 34-anÂyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs).
Matapos mabigo kay Timothy Bradley, Jr. via unanimous decision noÂong Hunyo 9, napatumÂba naman si Pacquiao ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kaÂnilang ikaapat na pagtaÂtagpo noong Disyembre 8.
Sinabi ni Rios na hinÂdi niya alam kung ano ang ikikilos ni Pacquiao.
“Some fighters can come back,†wika ni Rio kay Pacquiao. “I’m not Manny, so I don’t know how he feels mentally and physically, but we are getting ready for the best Manny Pacquiao — the one who was dominating the fight game.â€
Kumpiyansa si Rios na mananalo siya kay PacÂquiao.