Siva pinapirma ng Detroit

AUBURN HILLS, Mich. -- Pinapirma ng Detroit Pistons si second-round draft pick Peyton Siva, ayon sa pahayag ng koponan noong Lunes.

Kinuha ng Detroit ang Louisville guard bilang 56th pick sa nakaraang draft.

Nagtala ang 6-foot-1 na si Siva ng mga ave-rages na 10.0 points, 2.4 rebounds at 5.7 assists sa kanyang senior season kung saan niya iginiya ang Louisville sa NCAA championship.

Show comments