Malditas No. 75 sa buong mundo

MANILA, Philippines - Naabot ng Philippine Mal­ditas, naghahangad na makalaro sa 27th South­east Asian Games sa Myan­mar sa Disyembre, ang pinakamataas nilang ranggo sa FIFA women’s world rankings.

Pumuwesto ang Filipina squad sa 75th sa buong mundo sa itaas ng Guam at Laos, ayon sa August 2 update ng FIFA list.

Nasa No. 16 rin ang Mal­ditas sa Asia sa ilalim ng No. 15 Bahrain.

Pitong puwesto ang ini­akyat ng Malditas ba­se sa maganda nilang kam­­pan­ya sa AFC Asian Wo­men’s Cup qualifiers.

 

Show comments