Stevenson isinuko ng Hawks

ATLANTA -- Ipinagpatuloy ng Hawks ang pagba­lasa sa kanilang koponan matapos pa­ka­wa­lan si DeShawn Stevenson na napabilang sa star­ting five sa 31 laro sa nakaraang season.

Si Stevenson ay mayroon pang natitirang $2.2 million contract.

Siya ay pinalitan sa Atlanta line-up ni DeMarre Car­roll, ayon sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution.

Pumayag si Carroll na lumagda sa isang two-year, $5 million contract noong Hulyo 5.

Tumipa si Stevenson, maaaring maglaro bilang shooting guard o small forward, ng 36.4 percent mula sa three-point range noong nakaraamg season kung saan siya nagtala ng average na 5.1 points.

 

Show comments