Neal makukuha na ng Bucks

MILWAUKEE -- Ilang detalye na lamang ang kailangan ng Bucks para makuha si free agent shooting guard Gary Neal.

Iniulat ng ESPN na ang kasunduan sa pagitan ng Bucks at ni Neal ay maaari nang mapanalisa anumang araw.

Si Neal ay naging isang unrestricted free agent nang iatras ng San Antonio Spurs ang qualifying offer ni­to sa shooting guard.

Naglista siya ng average na 9.5 points sa 68 games no­ong nakaraang season.

Show comments