Biado talo sa US Open tourney

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na laro sa US Open billiards tour­nament ay nabigong muli ang manlalaro ng bansa na hiranging kampeon.

Ang US Open 8-ball ay nagwakas kahapon sa Rio Hotel and Casino sa Las Vegas at minalas si Carlo Biado nang matalo kay US bet Shane Van Boening sa race-to-13 finals sa dikitang 11-13 iskor.

Nagtala ng krusyal na error si Biado sa 23rd rack para basagin ni Van Boening ang huling tabla sa 11-11 bago nagtala ng run-out sa kanyang sargo sa 24th rack at kilalaning pinakamahusay na pool player sa nasabing torneo.

Hindi natalo sa kabuuan ng labanan si Van Boening upang kunin ang $15,000.00 unang gantimpala.

Nakuntento naman sa $8,500.00 premyo si Biado na bumangon mula sa loser’s bracket.

Show comments