MANILA, Philippines - Ang ika-pitong sunod na panalo ang balak hagiÂpin ng Letran, habang unaÂhan sa pagputol sa kaÂnilang losing streak ang maÂgaganap sa pagitan ng EmiÂlio Aguinaldo College at Lyceum sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ang Knights ay mapapalaban sa Mapua sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng labanan ng Generals at Pirates sa alas-6 ng gabi.
Ito na ang huling laro ng liga bago magpahinga sa loob ng dalawang linggo para magbigay-daan sa FIBA-Asia Men’s Championships na gagawin sa Agosto 1 hanggang 11.
Tinapatan na ng tropa ni coach Caloy Garcia ang maÂinit na simula noong 2008 nang magtala ng anim na sunod na panalo ang Knights.
Huling koponan na pinadapa ng Letran ay ang ArelÂlano, 67-57, noong Hulyo 25 para manatiling nagsosolo sa unahan sa 10 koponang liga.
Kung maglalaro nang husto ang mga inaasahan ni Garcia tulad nina Mark Cruz, Rey Nambatac at Raymond Almazan ay waÂlang nakikitang probleÂma ang Knights sa hangaÂring tagumpay dahil ang Cardinals ay papasok sa laro galing sa apat na suÂnod na pagkatalo para sa nangungulelat na 1-5 baÂraha.
Samantala, putulin ang tatlong sunod na pagkaÂtalo ang pagtutuunan ng GeÂnerals at Pirates upang makadikit pa sa mga koponang may winning records.
Isang panalo lamang sa anim na tagisan ang taglay ng tropa ni coach Gerry Esplana para makasalo sa huling puwesto ang host St. Benilde at Mapua, haÂbang ang Lyceum ay may 2-4 baraha paÂra makapantay ang Arellano sa ikaaÂnim at pitong puwesto sa standings.
Kailangang humugot ang Pirates ng magandang laro sa mga beterano sa paÂngunguna nina Shane Ko at Dexter Zamora para makabawi matapos lumuÂhod sa Blazers, 69-75, noÂong Hulyo 25.