^

PM Sports

Agustin muna sa Ginebra

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos tatlong linggo lamang matapos isama sa coaching staff ng Barangay Ginebra, iniluklok ng San Miguel Corporation si Ato Agustin bilang interim coach ng Gin Kings para sa darating na 2013 PBA Governors Cup.

Si Agustin ang pansamantalang papalit sa nagsumite ng leave of absence na si Alfrancis Chua para sa nasabing komperensya na magbubukas sa Agosto 14.

“Hey guys lets welcome Coach Ato,” sabi ni Mark Caguioa sa kanyang Twitter account kahapon.

Iginiya ni Agustin ang Petron Blaze para sa korona ng 2011 PBA Governors Cup matapos pigilan ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa hangad na Grand Slam.

Pinalitan siya ni Olsen Racela noong 2012 kasunod ang pagkakahirang kay dating assistant Gee Abanilla sa bench ng Boosters matapos ang 2013 Commissioner’s Cup.

Nakatakdang pangasiwaan ni Agustin ang team practice ng Ginebra nga-yong araw sa Reyes Gym sa Mandaluyong.

Makakasama ni Agustin sa coaching staff ng Gin Kings sina Boysie Zamar, Art dela Cruz, George Gallent at Freddie Abuda.

Ang pagpapalit sa kanyang coaching staff ang sinasabing ikinagalit ni Chua kaya ito biglang nagbitiw sa unang araw ng team practice ng Ginebra.

Dahil sa reklamo ng mga fans ng Gin Kings ay inilipat ng SMC si consultant for basketball operations chief Noli Eala sa kanilang infrastructure business.

 

AGUSTIN

ALFRANCIS CHUA

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BOYSIE ZAMAR

COACH ATO

FREDDIE ABUDA

GEE ABANILLA

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with